DOH, kinumpirmang hindi nabakunahan ang 2 sa 3 pasyenteng nasawi sa bansa sa Delta variant

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi nabakunahan ang 2 sa 3 pasyenteng nasawi sa bansa sa Delta variant ng COVID-19.

Partikular ang 58-anyos na babae mula Pandacan, Maynila at ang 78 anyos na babae mula sa Baybay, Antique.

Sinabi ni Health Undersec. Maria Rosario Vergeire na na-verify nila na hindi pa naturukan ng COVID vaccine ang naturang mga nasawing pasyente.


Habang inaalam pa ng DOH kung nakatanggap na ng bakuna ang ikatlong nasawi sa Delta variant na isang 63-anyos na lalaking Returning Overseas Filipino (ROF) mula sa barkong MV Athens Bridge.

Facebook Comments