Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kalat na sa National Capital Region ang UK at South African variants ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, maraming lungsod na sa Metro Manila ang maraming kaso ng UK at South African variants
Ito aniya ang dahilan ng pag-spike ng kaso ng infection sa NCR.
Kinumpirma rin ni Vergeire na 70-75% na ang bed occupancy sa bansa.
Sa hanay aniya ng health workers, 1,154 na ang tinamaan ng virus mula February 1 hanggang March 21.
367 aniya sa mga ito ang aktibo o patuloy pang nagpapagaling habang 700 na ang gumaling at 1 ang binawian ng buhay.
Kinumpirma rin ni Vergeire na ilan sa health care workers ang nagresign na habang ang iba ay naghain ng leave of absence.
Facebook Comments