Kumpirmadong food poisoning ang dahilan ng pagkahilo at pagsusuka ng daan-daang bisita sa Birthday Party ni dating First Lady Imelda Marcos sa Pasig City kahapon.
Una rito, umabot sa 261 ang isinugod sa Rizal Medical Center.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, posibleng nagkaroon ng bacteria na staphylococcus aureus ang kinaing adobong manok, nilagang itlog at kanin ng mga bisita.
Base na rin sa kwento ng mga biktima, maasim at hindi na maganda ang amoy ng pagkain.
Inaalam na rin ng DOH ang resulta ng imbestigasyon para malaman kung may pananagutan ang catering service.
Nangako naman ang pamilya Marcos na sasagutin nila ang gastos sa ospital ng mga biktima.
Facebook Comments