DOH, kinumpirmang nasa danger level na ang COVID-19 critical care sa Metro Manila

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa danger level na ang COVID-19 critical care sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, 73.7% ng reserved beds para sa Coronavirus cases sa National Capital Region (NCR) ang okupado na ngayon.

Tinukoy naman ang DOH ang mga ospital na mayroon nang full bed capacity at ito ay ang:
• University of Santo Tomas (UST) Hospital
• FY Manalo Medical Foundation Inc.
• Bataan General Hospital and Medical Center
• Qualimed Health Network, Sta. Rosa, Laguna
• Westlake Medical Center
• UPH-Dr. Jose Tamayo Medical University Foundation Inc.
• Tricity Medical Center Inc.
• Antipolo City Medical Hospital
• Ortigas Hospital and Healthcare Center Inc.


Pinapayuhan naman ng DOH ang mild at asymptomatic COVID patients na mag-paconfine na sa isolation facilities at iwasan na ang home quarantine upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit sa mga komunidad.

Tiniyak din ng DOH ang pangangalaga sa mental health ng medical frontliners sa harap ng anxiety na kanilang nararanasan sa pagtulong sa COVID-19 patients.

Facebook Comments