DOH, kinumpirmang wala pang naitatalang major side effect ng Moderna sa bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa silang namomonitor o naitatalang major side effect ng Moderna vaccine sa bansa.

Tugon ito ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire sa napabalitang nakapagtala sa Canada ng heart inflammation o myocarditis matapos maturukan ng Moderna vaccine na malimit umano sa mga lalaking edad 30 years old pababa.

Ayon kay Vergeire, rare o bihira lamang itong adverse reaction.


Sa katunayan ani Vergeire, nakapagbigay na ng warning o babala ang manufacturer ng Moderna vaccine hinggil sa nasabing napaka-rare na negative side effect.

Hindi rin aniya totoo na ang mangilan-ngilang lalaki lamang ang nagkaka-myocarditis dahil walang specific data na nagsasabi na sila lamang ang target nito.

Pero panghuli at pinakaimportante ay mas marami ang benepisyong naidudulot ng bakuna kaysa sa risk o posibleng panganib nito ma napakaliit na porsyento lamang.

Facebook Comments