Aminado ang Department of Health na nahihirapan ang kanilang health workers na makapasok sa mga pribadong subdivision para sa kanilang kampanya kontra polio.
Dahil dito, plano ng DOH na maglagay ng patak centers sa mga subdivision upang mabigyan rin ng oral polio vaccine ang mga batang nakatira sa gated communities.
Sinabi ni Health Spokesperson Usec. Eric Domingo na nakikipag ugnayan na sila sa mga homeowners association ng mga subdivision para mapayagang makapasok ang kanilang health workers.
Plano rin aniya ng DOH na kumuha ng pribadong pediatrician para tumulong sa kanilang immunization efforts.
Kumpyansa naman si Health Sec. Francisco Duque III na bago matapos ang kanilang mass immunization ay mabakunahan ang 95% ng mga batang nasa edad 5 pababa.