DOH, kumakalap pa ng datos kung kaya’t minabuting i-extend na lamang ang Alert Level 4 sa NCR

Mayroong ginamit na pamantayan ang Department of Health (DOH) hinggil sa desisyon nitong palawigin pa ng dalawang linggo ang Alert Level 4 sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, base sa rekomendasyon ng data analytics team ng DOH sa Inter-Agency Task Force (IATF), minabuti nilang palawigin pa ang Alert Level 4 sa National Capital Region para makumpleto ang ginagawa nilang assessment sa sitwasyon.

Paliwanag nito, pilot implementation pa lamang ang unang ginamit na Alert Level system sa kalakhang Maynila at kailangan pa itong mapalawig upang mas mapag-aralan pa nang husto.


Dagdag pa ni Vergeire, ang extension ang siyang magsisilbing daan upang madagdagan pa ang improvements ng mga metrics na ginagamit ng pamahalaan sa kasalukuyan sa pagdetermina ng ipatutupad na Alert Level system.

Facebook Comments