DOH, kumambyo sa isyu ng artificial sand sa Manila Bay

Kung noong una ay nagbabala ang Department of Health (DOH) sa panganib na dulot ng kontrobersiyal na artificial white sand sa Manila Bay, kumambyo ngayon ang naturang tanggapan.

Ayon sa DOH, ang malalaking parte ng dolomite o bulk size ay hindi health hazard sa tao.

Nilinaw rin ng DOH na ang dolomite na nasa dust form o katulad ng alikabok o gaya ng iba pang dust particle ang maaring magdulot ng sintomas gaya ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga at pag-uubo na kalimitang reaksyon ng katawan ng tao.


Sinabi pa ng DOH, na kagaya ng naging pahayag ng DENR, ang dolomite material sa Baywalk ay nasa 2-5mm o 100 na mas malaki sa alikabok kaya siguradong hindi sasama sa hangin.

Ipinatutupad din naman anila ang occupational at health and safety standards sa mga manggagawa sa Manila Bay.

Facebook Comments