Kumpiyansa si Health Undersecretary Eric Tayag na bababa na ang kaso ng influenza sa bansa.
Ito ay dahil sa tumataas na rin ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra flu.
Muli namang hinimok ni Tayag ang publiko na magpaturok na ng flu vaccine lalo na’t libre naman ito sa health centers.
Aniya, kailangang protektahan ang mga kasamanang senior citizen sa bansa lalo na’t kung araw-araw pumapasok sa trabaho o eskwelahan ang kanilang mga kasama sa bahay.
Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko na huwag na munang pumasok sa trabaho o paaralan kapag masama ang pakiramdam o mayroon flu symptoms.
Facebook Comments