DOH LEPTOSPIROSIS FAST LANES, NAKAANTABAY SA POSIBLENG KASO NG SAKIT DAHIL SA PAGBAHA

Naka-activate sa mga Department of Health (DOH) Hospitals ang DOH Leptospirosis Fast Lanes sa posibleng kaso pa ng sakit dahil sa muling naranasang pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Muling nagpaalala ang ahensya na agad na magtungo sa mga health centers o DOH hospital leptospirosis fastlanes kung lumusong sa pagbaha upang mabigyan ito ng karampatang konsultasyon at gamutan.

Patuloy na binabantayan ngayon ang kaso ng Leptospirosis sa bansa, maging ang pagpapaigting ng information dissemination ukol dito at pagpapalakas ng kampanya kontra sa naturang sakit.

Samantala, ayon sa datos ng DOH – Center for Health Development 1, umabot na sa 133 ang naitalang kaso ng naturang sakit sa rehiyon mula Enero hanggang nitong Hulyo ngayong taon.

Panawagan sa publiko lalo ngayong panahon ng tag-ulan na sakaling hindi maiwasang lumusong sa baha, mainam ang pagsusuot ng bota, at hugasan ng malinis na tubig at sabon matapos lumusong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments