DOH, magbabahay-bahay sa 10 barangay sa Metro Manila para hanapin ang mga taong tinamaan ng COVID-19

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magsisimula na ang kanilang health workers na magbahay-bahay sa 10 barangay sa Metro Manila para tukuyin ang mga indibidwal na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang estratehiyang ito ay nakapaloob sa Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) protocol, isang localized response initiative na layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.

Ang CODE teams ay binubuo ng DOH at mga tauhan mula Local Government Units (LGUs).


Ang 10 barangay na tinukoy ng DOH kung saan sisimulan ang pagbabahay-bahay ang mga sumusunod:

–        Pinagbuhatan, Pasig

–        Addition Hills, Mandaluyong

–        Sucat, Muntinlupa

–        Potrero, Malabon

–        Pembo, Makati

–        San Antonio, Parañaque

–        Barangay 12, Caloocan

–        Batasan Hills, Quezon City

–        CAA-BF International, Las Piñas

–        Fort Bonifacio, Taguig

Sinabi ni Vergeire na paiigtingin ang contact tracing at testing.

Aalamin din nila ang pagsunod ng mga nagsasagawa ng home quarantine.

Facebook Comments