Mag-a-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) amendment ang Department of Health (DOH) sa Food & Drug Administration (FDA) para sa pagbibigay ng 4th dose o 2nd booster shot sa ilang piling priority groups.
Sa press conference sa Malakañang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan pang mabuti sa ngayon ng all experts group ang panukalang bigyan ng 4th dose ang mga senior citizens at mga immunocompromised individuals.
Naniniwala kasi ang mga eksperto na humihina ang bisa ng bakuna sa mga nakatatanda at mga indibidwal na may karamdaman kung kaya’t kinakailangan silang maturukan ng second booster dose para lumakas ang kanilang immune system o panlaban mula sa COVID-19.
Ayon kay Vergeire, sa sandaling matapos ang mga pag-aaral ay ihahain na nila sa FDA ang nasabing EUA amendment.