DOH, maghihintay sa resulta ng imbestigasyon ng DILG sa umano’y bentahan ng bakuna

Ipinauubaya na ng Department of Health (DOH) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang imbestigasyon sa sumingaw na isyu ng bentahan ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, iniimbestigahan na nila ito at nakipag-ugnayan na rin sa DILG tungkol sa naturang pangyayari.

Paliwanag ni Vergerie, kasama rin sa nakaugnayan na ng DOH sa pamamagitan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan kung saan umano nagaganap ang bentahan.


Inilahad pa ni Vergerie na isa sa mga LGU ay nagpatulong na rin sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa pag-iimbestiga.

Giit ni Vergerie na maglalabas na lamang sila ng mga impormasyon sa sandaling may resulta na ang imbestigasyon ng DILG sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments