DOH, maglalabas ng ‘recalibrated plan’ laban sa COVID-19 pandemic

Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng recalibrated plan para protektahan ang publiko at medical frontliners laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng protesta ng ilang medical frontliners na nababahala sa kanilang kaligtasan sa gitna ng pandemya.

Ayon sa DOH, nakikipagtulungan sila sa medical societies para bumuo ng mga bagong plano at istratehiya sa pagresponde sa pandemya, kabilang ang protocols sa pagmanage ng COVID-19 sa mga ospital.


Ang updated guidelines ay ilalabas ngayong linggo.

Nabatid na umabot na sa 5,153 healthcare workers ang nagkasakit dahil sa COVID-19.

Facebook Comments