DOH, magpapadala ng reinforcement team para sa mga health workers sa Region II

Magpapadala ang Department of Health (DOH) ng reinforcement team sa Region II para tulungan ang mga health workers sa pagresponde sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng malawakang pagbaha sa rehiyon dahil sa epekto ng Typhoon Ulysses.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na humingi na ng tulong sa DOH ang mga health workers sa Cagayan Valley na pagod na dahil na rin sa sunud-sunod na pagtama ng mga bagyo sa rehiyon.

Ayon kay Cabotaje, umapela na rin sila ng tulong sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at sa World Health Organization (WHO) para tugunan ang iba’t ibang health-related concerns gaya ng medical consultation, psychosocial briefing at pagsuri sa kalinisan ng tubig.


Nagpaalala naman ang opisyal sa mga evacuees na manatiling sumunod sa minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagbabala rin ang DOH sa publiko laban sa leptospirosis na maaaring makuha mula sa paglusong at pagbababad sa baha.

Facebook Comments