DOH, magpapadala ng tulong sa mga bakwit ng Bulkang Taal sa Batangas

Bibisitahin ng Department of Health (DOH) ang mga evacuation centers sa Batangas kung saan lumikas ang mga residenteng apektado ng aktibidad ng Bulkang Taal.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Secretary Francisco Duque III, nagpadala sila ng mga gamot na kailangan ng mga residente.

Kabilang dito ang mga gamot para sa mga may problema sa mata, iba’t ibang sakit sa baga, emphysema, altapresyon at diabetes.


Nais din tiyakin ni Duque na nasusunod ang minimum health protocols sa mga evacuation centers.

Dahil limitado ang bakuna, sakop lamang ng kanilang isasagawang vaccination sa mga evacuation centers ay A2 at A3 priority group.

Facebook Comments