DOH, magpapadala pa ng health workers sa mga ospital sa NCR

Magpapadala ang Department of Health (DOH) ng mga doktor at nurses galing sa ibang rehiyon para tulungan ang pandemic response ng mga ospital sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, nasa 136 doctors at nurses mula sa ibang rehiyon ang itatalaga sa pitong DOH hospitals, dalawang specialty hospitals at isang regional hospital sa National Capital Region (NCR) para magbigay ng additional support sa pandemic response.

Ang unang batch ng healthcare workers ay binubuo ng 42 doctors at nurses mula sa Ilocos Region, CALABARZON at Bicol Region.


Itinalaga sila sa East Avenue Medical Center at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocal City at Amang Rodriguez Memorial Hospital sa Marikina City.

Nasa 94 healthcare workers mula sa Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang ipapadala sa anim na iba pang ospital ngayong linggo.

Kabilang na rito ang National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at off-site extension ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center at ng Quezon Institute sa Quezon City, San Lazaro Hospital at Tondo Medical Center sa City of Manila at Rizal Medical Center sa Pasig City.

Ang mga itinalagang healthcare workers ay may libreng swab testing, work transportation, accommodation at meals.

Facebook Comments