DOH, magpapasaklolo na sa DepEd sa kampanya kontra leptospirosis

Dadalhin na rin ng Department of Health (DOH) sa Department of Education (DepEd) ang kanilang kampanya kontra leptospirosis.

Ito’y sa gitna ng lumulobong kaso ng leptospirosis sa bansa.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na dapat simulan nang maaga na maituro sa mga estudyante ang peligro ng paglusong sa baha.


Giit ni Herbosa, ginagawang palaruan kasi ng mga bata ang baha dito sa Pilipinas.

Dahil dito, kakausapin daw ng kalihim DepEd Secretary Sonny Angara na ituro ito sa mga mag-aaral gayundin ang maayos na pagtatapon ng basura na nagiging dahilan ng pagdami ng mga daga na pinagmumulan ng bacteria ng leptospirosis.

Facebook Comments