Magpapatupad ng Maximum Retail Price (MRP) ang Department of Health (DOH) sa mga piling gamot.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – layon nitong mas maging abot kaya pa ang mga gamot sa merkado.
Ilan sa inaasahang papatawan ng MRP ay ang mga gamot sa sakit gaya ng cancer, asthma, diabetes at hypertension.
Paglilinaw naman ni Domingo – magsasagawa pa sila ng mga public consultation bago ilabas ang administrative order para dito na target nilang maipasa bago matapos ang taon.
Tiniyak naman ni Domingo na hindi makakaapekto ang price cap sa kalidad ng mga gamot.
Facebook Comments