Roxas City, Capiz – Magsasagawa ng mass immunization ang Department of Health at Provincial Health office katuwang ang DepEd sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Capiz sa darating na buwan ng Agosto.
Ayon kay Mr. Joeffrey Espiritu ng DOH-Capiz, ang mga mag-aaral lamang sa grade 1 sa elementarya at grade 7 naman sa sekondarya ang isailalim sa bakuna para sa tigdas o measles at tetanus diphtheria.
Sinabi nito na ang mga municipal health offices na ang bahala sa pagpili ng schedule kung kailan gaganapin ang immunization sa mga paaralan sa kanilang nasasakupan.
Nanawagan naman si Espiritu sa mga magulang na suportahan ang immunization program ng DOH upang makaiwas ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng sakit na tigdas at diphtheria.
Facebook Comments