Magsasagawa ang Department of Health (DOH) ng simulation para sa COVID-19 vaccination program.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang simulation ay gaganapin sa Pasig City sa ikatlong linggo ng Enero pero hindi pa rito kasama ang aktwal na paggamit ng bakuna.
Ang mga nais magpabakuna ay kailangang magparehistro, tumanggap ng pre-vaccination education at counseling at sumailalim sa screening at medical history review bago maturukan ng bakuna.
Pagkatapos, makakatanggap sila ng immunization card at dadaan sila sa post-vaccination monitoring at surveillance.
Nabatid na target ng Pilipinas na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong indibiduwal ngayong taon.
Facebook Comments