Magtatalaga ang Department of Health (DOH) ng higit 13,000 health workers ngayong araw ng halalan.
Ayon sa DOH, nasa kabuoang 13,070 health workers ang ipapakalat sa 2,614 health stations na itinayo sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Bawat istasyon ay mayroong team na binubuo ng limang health professionals.
Ang health teams ay magbibigay ng first aid treatment at kinakailangang gamot para sa mga botante, government personnel at volunteers.
Inaatasan din ang health professionals na idala sa pagamutan ang mga pasyenteng may iniindang sakit o magtamo ng seryosong sugat.
Nasa ₱5.2 million ang inilaan ng DOH para sa operation ng mga health stations.
Facebook Comments