DOH, magtatalaga ng surveillance unit sa mga piitan

Naglagay na ang Department of Health (DOH) ng mga surveillance unit sa mga piitan sa bansa bunsod na rin ng matinding init ng panahon at ng water crisis.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tinututukan nila ang mga piitan sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Aniya, may ipinatupad ring protocol ang kagawaran para maiwasan na magkahawaan ng sakit ang mga preso.


Facebook Comments