Nagkasundo ang mga government agency na bantayan ang mga opsital para hindi na maulit pa ang nangyaring sunog sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Bureau of Fire Protection (BFP) para maiwasan ang mga sunog sa mga ospital ngayong dry season.
Sinabi ni Vergeire na walong pasyente na ang kanilang nailipat sa ibang pagamutan mula PGH dahil sa sunog.
Nakapagbigay na rin aniya sila ng mga K95 at N95 masks para sa mga personnel ng PGH bilang proteksyon sa usok.
Nabatid na tinatayang nasa P50 milyong halaga ng kagamitan ang napinsala ng sunog sa PGH.
Facebook Comments