Patuloy na susuportahan ng Department of Health (DOH) ang liderato ni Secretary Francisco Duque III sa gitna ng mga kritisismo mula sa iba pang government officials.
Matatandaang ipinapanawagan ni Senator Manny Pacquiao na palitan na si Duque matapos isisisi sa kalihim ang mabagal na aksyon hinggil sa COVID-19 vaccine deal sa Pfizer.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang sundin ng DOH ang government processes at hindi maaring magpaliban ng anumang protocols at guidelines.
Bagama’t naiintindihan nila na naiinip na ang mga tao na nais nang magkaroon ng bakuna sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, sinisikap ng pamahalaan na makuha ang mga bakuna sa susunod na taon.
Una nang inihayag ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Duque.