DOH, mas lalo pang pinaigting ang mga hakbang kontra paggamit ng vape

Mariing kinokondena ng Department of Health (DOH) ang patuloy na mapanlinlang na marketing ng vape products sa bansa.

Kasabay nito, iminungkahi ng DOH ang total ban sa paggamit at pagbebenta ng vape.

Ayon sa DOH, taliwas sa mga pahayag na walang nikotina at ligtas na alternatibo sa sigarilyo ang vape, naglalaman ito ng mga kemikal na mapanganib sa kalusugan at nakaaakit sa kabataan dahil sa makukulay na pakete at iba’t ibang flavor.

Batay sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, isa sa pitong kabataang Pilipino edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng vape.

Naitala na rin ang unang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas na inuugnay sa dalawang taong paggamit ng vape.

Binigyang-diin ng DOH na nagdudulot ng cardiovascular disease, cancer, at lung disease ang paggamit ng vape at sigarilyo.

Tiniyak din ng DOH, ang pagpapatibay ng suporta ng bansa sa WHO Framework Convention on Tobacco Control upang isulong ang mas mahigpit na polisiya at batas laban sa tobacco at vape industry.

Facebook Comments