DOH, mas paiigtingin pa ang kampanya sa pagtugon sa COVID-19 kasunod ng patuloy na pagtasas ng bilang ng mga tinatamaan nito

Mas lalo pang paiigtingin ng Department of Health ang kanilang kampanya sa publiko at lokal na pamahalaan kaugnay sa pagresponde sa pagkalat ng COVID-19.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibat ibang bahagi bansa kung saan naitala kahapon ang pinakamataas na bilang ng new cases na umabot sa 2,434.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipagtulungan na sila sa Local Government Unit para mas lalo pang paigtingin ang kanilang kampanya at mabago ang pananaw o behavioral ng publiko sa pagtugon sa COVID-19.


Dapat din aniyang ipatupad ang selective lockdown kung kinakailangan upang mapababa at hindi na tumaas pa ang kaso sa bansa.

Batay sa projection ng mga eksperto sa University of Philippines, posibleng umabot sa 95,000 ang COVID cases sa bansa pagdating ng katapusan ng Agosto.

Kahapon, umabot na sa 44,254 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 11,942 rito ang gumaling habang 1,297 ang nasawi.

Facebook Comments