Manila, Philippines – Palalakasin pa ng Dept. of Health ang kanilang programa para sa mga mamamayan na gusto ng tumigil sa paninigarilyo.
Bahagi pa rin ito ng Executive Order ni Pangulong Duterte hinggil sa Nationwide Smoking Ban.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial – bilang tugon dito plano ng ahensya na maglunsad ng quick line at mobile cessation application ngayong Hunyo.
Sa pamamagitan nito – mabibigyan ang mga gustong tumigil sa paninigarilyo ng resource material at payo kung papaano nila masisimulan ang clean at healthy lifestyle.
Sa ngayon – may mga umiiral ng cessation program ang mga hospital ng DOH.
Pinag-aaralan na din ng ahensya ang pagsasama ng cessation program sa coverage ng Phil Health.
DZXL558
Facebook Comments