
Agad na kumilos ang Department of Health (DOH) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na bantayan ang nutrisyon ng mga Pilipino.
Partikular ang pinakaimportanteng unang 1,000 araw ng kanilang buhay.
Ang nasabing paglipat ng DOH sa digitalization ay paraan na rin para maserbisyuhan ang mahigit tatlong milyong Pilipino mula sa 275 LGUs.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, pinalakas nila ang digitalization para mas mabilis na mabigay ang mga nutrient-sensitive services sa LGUs tulad ng:
– On-the-Spot Nutrition Counseling
– Infant and Young Child Feeding Counseling
– Pagbibigay ng Micronutrient Supplements
– Antenatal Care for Women / Pangangalaga sa mga buntis
– Pagbibigay ng kumpletong bakuna sa mga bata
– Welfare Services, Water, Sanitation, and Hygiene (WASH)
– Quarterly “hunger check”
Inilalapit ng DOH ang serbisyong medikal sa bawat pamilya dahil muli nilang iginigiit na ang bawat buhay ay mahalaga.









