DOH, may apela sa LGUs sa harap ng patuloy na banta ng Omicron variant

Bagama’t wala pang nade-detect na Omicron variant ng COVID-19 sa bansa, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang Local Government Units (LGUs) na ipagpatuloy ang paghahanap ng mga kaso ng infection.

Gayundin ang pagsasagawa ng clustering ng mga kaso para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Umapela rin ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols.


Ayon sa DOH, ang pagsunod sa protocols ang pinakamainam pa rin na paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon, nananatiling dominant variant sa bansa ang Delta variant.

Facebook Comments