Umapela ang Department of Health o DOH sa mga negosyante at sa publiko na huwag sanang samantalahin ang malakas na demand ng mga face mask kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Bukod sa mga negosyanteng nagsasamantala sa presyo ng face mask, pinagsabihan din ni Health Undersecretary Eric Domingo ang publiko na huwag mag-hoard ng mga face mask.
Nilinaw rin ni Domingo na hindi kailangan ng lahat ang face mask lalo na sa mga lugar na “mildly affected” lamang o hindi gaanong apektado ng ashfall mula sa nag-aalburutong bulkan.
Aniya, higit din na nangangailangan ng face mask ang may mga hika at sakit sa baga.
Facebook Comments