DOH, may paaalala sa mga magbibisita Iglesia at magpepenitensya ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH)sa mga makikiisa sa visita iglesia at pagpepenitensya ngayong Semana Santa.
 
Ayon kay DOH Secretary Pauly Ubial – palaging may dalangtubig  at mainam din na magdala ng pagkain at payong kapag bumibisita sasimbahan.
  
Pinaaalahanan din ni Ubial ang mga makikilahok sapagpepenitensya na i-sterilize ang mga pako at iba pang mga matatalim na bagayna kanilang gagamitin para maiwasan ang pagkakaroon ng tetanus.
 
Ang mga may high-blood pressure naman, mas mainam na mamalagimuna sa loob ng bahay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kungsaan kasagsagan ng katirikan ng araw.
 
Paalala rin ng ahensya sa mga magulang na hangga’t maiiwasan ayhuwag munang isama ang kanilang mga maliliit na anak sa mga matatao atsiksikang lugar.
 

Facebook Comments