DOH, may paalala sa mga magsasagawa ng in-person Christmas party ngayong 2021

51

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga employer na magsagawa na lamang ng virtual Christmas party sa halip na in-person.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t bumubuti na ang lagay ng bansa, nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Pero kung nanaisin aniya na magsagawa ng in-person celebrations, dapat mahigpit na sundin ang minimum public health standards.


Imbis din na buffet style, dapat din aniya ay set meal na ang ibigay sa mga pupunta para maiwasan ang hawahan.

Ngayon, pinapayagan na ang mga Christmas gathering sa ilalim ng Alert Level 2,

Facebook Comments