DOH – may paalala sa mga matatandang magsasama ng mga bata sa pagbi-bisita Iglesia

30

Manila, Philippines – Pinayuhan ang Department of Health ang mga deboto na magbi-bisita Iglesia ngayong Semana Santa na huwag nang isama ang mga sanggol at senior citizens upang maprotektahan ang mga ito mula sa anumangsakit.
Paliwanag ni DOH Secretary Paulyn Ubial, ang mga bata at sanggol ay karaniwang ‘vulnerable’ o madaling mahawaan ng mga sakit o virus.
Ang mga nakatatanda naman, partikular na ang may hypertension, ay mas mainam na manatili na lamang sa bahay lalo’t matindi anginit ng panahon bunsod ng summer season.
Pero kung hindi talaga mapipigilan, sinabi ni ubial nadapat may kasamang kaanak o guardian na handang magbigay ng gamot kapag kinakailangan.
Tuwing kwaresma, lalo na sa Huwebes Santo, ay nakasanayan ng mga katoliko ang bisita iglesia kung saan nagtutungo sa pitong iba’t ibang simbahan upang magdasal.

Facebook Comments