Sa harap ng pananalasa ng Bagyong Quinta at patuloy na banta ng COVID-19, may paalala ang Department of Health (DOH) sa paglilikas sa mga residente.
Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na dapat ang evacuation sites sa mga lugar na apektado ng bagyo ay hiwalay sa isolation area para sa mga may sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Vergeire, mahalaga rin na magkaroon ng symptoms check bago pumasok sa evacuation areas upang matukoy kung sinu-sino ang mga dapat ihiwalay sa mga walang sintomas.
Dapat din aniyang magsuot pa rin ng face mask at pairalin ang social distancing sa evacuation centers.
Mahalaga rin aniyang maglagay ng hand washing area para sa evacuees.
Facebook Comments