Manila, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang para hindi mabiktima ng paputok ang kanilang mga anak.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – dapat kalkalin ng mga magulang ang mga gamit ng kanilang mga anak at kapag may nakitang paputok ay basain na kaagad ito para hindi na mapakinabangan pa.
Ipinaliwanag ng kalihim na walang mabibiktima ng paputok kung walang gagamit nito sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Aniya, ang mga batang may edad lima hanggang labing limang taong gulang ang karamihan sa mga nagiging biktima ng paputok taon-taon.
Number one pa rin sa listahan ng mga pinakadelikadong uri ng paputok ay ang piccolo, sinundan ng five-star, pla-pla at kwitis.
Sa huling datos ng DOH, nasa 13 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok.