DOH, may pondo na para sa pagbili ng new generation vaccines laban sa COVID-19

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may pondo na ang DOH sa pagbili ng bagong bakuna laban sa COVID-19 o ang tinatawag na new generation vaccines.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ilalabas ng manufacturers ang mga bagong bakuna sa Oktubre.

Tatargetin nito ang bagong variants ng COVID-19 tulad ng Omicron.


Gayunman, nilinaw ni Vergeire na dadaan sa proseso bago makakuha ng new generation vaccines tulad ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization o EUA.

Una nang sinabi ni Dr. Nina Gloriani ng Vaccine Expert Panel (VEP) na posibleng abutin pa ng ilang buwan bago makarating sa Pilipinas ang variant-adapted vaccines laban sa COVID-19 na unang lalabas sa Amerika.

Facebook Comments