Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayorya sa mga tinamaan ng leptospirosis sa bansa ay mga kalalakihan.
Sa pinakahuling datos ng DOH, mula noong January 1 hanggang September 2, ay 87% kaso ng leptospirosis ay mga lalaki.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, nasa 20 hanggang 49 years old ang nagkaroon ng leptospirosis.
Nasa 14% ng mga kaso ay farming-related occupation, 8% ang mga manggagawa, 6% ay mga estudyante, 4% ang mga driver at 2% ang fishing-related jobs.
Kamakailan ay nakapagtala ang DOH ng 3,728 na kaso ng leptospirosis sa buong bansa, 70% na mataas ito kumpara sa kaparehong period ng nakaraang taon.
Paliwanag ni De Guzman na ang pagtaas ng kaso ay nagsimula noong Hulyo kasabay ng mga kalamidad na pumasok sa bansa.