DOH, mayroong P26.5 million pre-positioned medical supplies

Naka-prepositioned ang nasa ₱26.5 million na halaga ng medical supplies bilang bahagi ng pagtugon sa mga apektado ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Health Secretary Francsico Duque III, ang mga medical supplies ay ipapamahagi sa iba’t ibang health facilities.

Nakapaloob na rito ang mga gamot, health kits, maging personal protective equipment at COVID-19 supplies.


Bukod dito, sinabi rin ni Duque na nasa ₱21.7 na halaga ng additional commodities ang available sa warehouse ng DOH Central Office.

Nakataas ang code red alert sa lahat ng apektadong rehiyon at pinatitiyak sa mga ospital na may sapat silang generator sets para paganahin ang kinakailangang life-saving machines.

Pagtitiyak ni Duque na ang mga COVID-19 patients at health workers sa Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) ay nakalikas na para sa kanilang kaligtasan.

Hinimok din ni Duque ang publiko na sundin ang minimum public health standards para maiwasan ang COVID-19 transmission sa bahay at sa evacuation centers.

Facebook Comments