DOH- MIMAROPA, pansamantalang sinusispende ang flight ng air ambulance sa Palawan

Palawan, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health MIMAROPA ang flights ng air ambulance sa Palawan.

Ito ay matapos na kailangang isailalim sa preventive maintenance and scheduled check-up.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, sinabi nito na sa kabila ng hindi inaasahang dami ng mga pasyente na humihiling para i-transport sa ibang hospital.


Nabatid na kailangan umanong isailalim at palitan ng bago ang ibang mga parte ng aircraft.

Kaugnay niyan, nasa proseso na umano ang mga procuring item sa ibang bansa dahil hindi pa umano available ito sa bansa.

Nasa 92 na bilang ng mga pasyente na ang na-transport ng dalawang air ambulance na mula sa iba’t ibang munispyo ng lalawigan.

Nagsimula ang operasyon nito noong Perbrero 8 ngayong taon matapos ang MOA signing ng DOH at PAMAS.

Facebook Comments