DOH, minaliit ang paglampas ng COVID-19 cases ng Pilipinas sa China

Minaliit lamang ng Department of Health (DOH) ang paglampas ng kabuuang kaso ng COVID-19 ng Pilipinas sa China.

Ito ay matapos umabot sa 85,486 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na nahigitan na ang nasa 84,060 cases sa China.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi naman maaaring ikumpara ang datos ng dalawang bansa dahil sa iba’t ibang dahilan.


Aniya, magkakaiba ang health system at setting ng bawat bansa.

Iginiit ni Vergeire na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunsod ng pagluluwag ng lockdown measures, hindi pagsunod sa minimum health standards, at pagpapauwi ng stranded individuals sa kanilang mga hometown.

Pero sinabi ni Vergeire na bumaba sa 3% ang COVID-19 death rate sa bansa.

Suportado ng DOH ang localized lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng sakit pero patuloy ang pagtakbo ng ekonomiya.

Facebook Comments