DOH – minamadali na ang pagbabakuna sa higit 2-milyong mga bata kontra tigdas

Manila, Philippines – Nagdo-double time na ang Department of Health (DOH) para mabakunahan ang nasa higit dalawang milyong mga bata laban sa tigdas.

Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng naturang sakit.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – bukod sa mga bata, target din ng kanilang massive immunization program maging ang mga senior citizen.


Aniya, madali na ring mahawaan ng measles virus ang mga may edad na dahil sa paghina ng kanilang resistensya.

Sa pinakahuling datos ng DOH, mahigit sa 11,000 na ang nahawa sa tigdas at 189 naman ang bilang mga naitalang namatay dulot sa iba’t ibang mga kumplikasyon ng nasabing sakit.

Dahil dito, muling umapela ang kalihim sa publiko na magpunta sa mga health centers para mabigyan ng anti-measles vaccine.

Facebook Comments