Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagbibigay ang face shield ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Aniya, tinatakpan nito ang mukha, mata, ilong at bibig para makadapo ang anumang droplets.
Mas epektibo pa ito kung sasamahan ng face mask at physical distancing.
Nakakatulong aniya ang face shield na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
I-aapela ng DOH ang mandatory na pagsusuot ng face shields sa indoor settings tulad ng ospital, paaralan, workplaces, commercial establishments, public transport at terminals, places of worship at iba pa.
Irerekomenda naman nila ang boluntaryong pagsusuot ng face shield sa outdoor settings.
Sa ngayon, hinihintay nila ang magiging pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.