DOH muling ipinaalala ang proper ventilation upang hindi mabilis kumalat ang COVID-19

Naniniwala si Department of Health Director Dr. Beverly Ho na maliban sa pagsusuot ng tama ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at social distancing ang tamang ventilation din ang isa sa pinaka importanteng paraan upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Ho na mas matagal kasi ang pananatili ng virus kapag closed spaces.

Kaya mas mainam talaga na nakakapag-circulate ng tama ang hangin sa tahanan, sasakyan at lugar ng paggawa.


Payo pa ni Dr. Ho na mas maganda nga sana kung outdoor, nang sa ganon ay maayos ang bentilasyon at mas maliit ang tyansa na kumalat ang virus.

Pagdating naman sa mask, matagal na aniya nilang inirerekomenda sa mga nagsusuot ng cloth mask na magsuot ng isa pa o mag-double mask.

Kasunod nito, nanatili parin aniyang epektibo ang pagsusuot ng face mask sa kahit anumang variant ng virus.

Samahan pa ito ng iba pang health & safety protocols at ang mabilis na pagbabakuna.

Facebook Comments