DOH, muling nagbabala sa paggamit ng e-cigarettes

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa paggamit ng electronic cigarettes.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, limang medical specialty societies sa USA na ang nagsabing ang e-cigarettes ay itinuturing na ‘health hazards.’

Nagtataglay ng mga mapanganib na kemikal ang mga devices tulad ng nicotine, ultra-fine particles, carcinogens, heavy metal at volatile organic compounds.


Naitala na rin sa ibang bansa ang nicotine toxicity sa mga bata dahil sa dumaraming gumagamit nito.

Mapanganib din sa mga second-hand aerosols o mga taong nakakalanghap ng usok na ibinubuga ng mga e-cigarette users.

Pero nilinaw ni Duque na ang e-cigarettes ay less harmful kaysa sa conventional smoking.

Facebook Comments