Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine na huwag ipagpaliban ang kanilang second dose.
Ayon kay Dr. Anna Lisa Lim ng DOH-Technical Advisory Group, hindi makapagbibigay ng kabuuang proteksyon ang bakuna kung hindi makukumpleto ang dose nito.
Nilinaw rin ni Lim na bagama’t marami ang hindi nakakapagpaturok ng second dose sa kanilang nakatakdang schedule ay hindi ibig sabihin na bibigyan ulit sila ng first dose.
Pero kailangan aniya na maihabol agad ang second dose para matiyak na magiging epektibo ang itinurok na COVID-19 vaccine.
Facebook Comments