Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang gumamit ng mga ilegal na paputok.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mainam na lamang na gumamit ng paingay.
Aniya, ang holiday season ay pagkakataon para maipakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Kabilang aniya sa maaaring gamiting paingay ay ang mga sound system, walang laman na lata, takip ng kaldero, torotot at iba pa.
Pinayuhan rin ng kalihim ang mga magulang na i-monitor ang kanilang mga anak at tiyaking hindi ito makabibili ng anumang ipinagbabawal na paputok.
Facebook Comments