DOH, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa pagpasok ng subvariant ng Omicron sa bansa

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magdoble ingat hinggil sa pagpasok ng COVID-19 subvariant ng Omicron sa ating bansa.

Sa abiso ng DOH, muli nilang iginigiit ang kahalagahan ng tamang pagsusot ng face mask at ang palagiang paghuhugas ng kamay.

Payo pa ng DOH, sakaling makaranas ng anumang sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan ay maiging mag-isolate muna saka kumonsulta sa mga doktor.


Matapos nito ay sumalang sa RT-PCR test para masiguro na ang nararamdamang mga sintomas ay COVID-19 o hindi.

Muli rin ipinunto ng DOH ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 upang hindi maging malala o kritikal ang kalagayan sakaling mahawaan ng virus at ng mga subvariants nito.

Sa pahayag pa ng DOH, mas mainam na sumalang na rin sa booster shot lalo na’t hindi rin sapat ang maturukan ng ikalawang dose ng bakuna kung saan sa pagsunod sa mga abisong ito ay masisiguro na magiging ligtas ang bawat isa gayundin ang miyembro ng pamilya.

Facebook Comments