DOH, muling nagpapa-alala sa mga paaralan hinggil sa kaso ng HFMD

Nagpapaalala ang Department of Health (DOH) sa mga paaralan na patuloy ma mag-ingat upang maiwasan ang hawahan ng HMFD o hand foot and mouth disease.

Ito’y kahit pa bumaba na ang kaso o bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.

Sa record ng DOH, mula May 18-31, 2025 nasa 1,964 na kaso ng HFMD ang naitala kung saan bumaba ito noong June 1 hanggang 14, 2025 ay nasa 1,363 ang naitalang tinamaan.

Pero giit ng DOH, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil mabilis o posibleng makahawa ang nasabing sakit kung hindi mag-iingat.

Paliwanag ng DOH, ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maaari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

Payo nila, kailangang panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at mga lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Facebook Comments