DOH, muling nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19; DFA, nakapagtala ng isang bagong kaso lamang sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 68 na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 9,230 o 1.95%.

1,014 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 472,532.


Ang aktibong kaso naman ay 23,793 o 5.0%.

518 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 439,509 o 93.0%.

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Benguet, Makati, Bulacan at Laguna.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 1 lamang na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Ang total cases na ngayon ay 12,876 at ang aktibong kaso naman ay 3,578.

Isa lamang din ang bagong recovery kaya ang total recoveries na ay 8,387.

Wala namang naitalang bagong Pinoy na namatay sa COVID sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 911.

Facebook Comments